San Miguel magpapatayo rin ng drug rehab center sa Bataan

By Kabie Aenlle December 08, 2016 - 04:33 AM

San miguyelMatapos ipahayag ang kanilang pag-suporta sa laban ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga, inanunsyo ng San Miguel Corporation ang isang kasunduan na magtatayo ng isang drug rehabilitation center sa Bataan.

Ang nasabing pasilidad na itatayo ng San Miguel Foundation ay ang kauna-unahan sa ilan pang itatayo ng kumpanya sa ilalim ng kanilang P1-billion na donasyon sa pamahalaan nitong nagdaang Agusto.

Ayon kay San Miguel president and COO Ramon Ang, buo ang kanilang suporta sa pamahalaan sa pagsusulong nito ng anti-drug dependency.

Nais aniya ng kanilang kumpanya na makatulong sa pagbabago ng mga drug dependents, lalong lalo na ang mga kabataan.

Nilagdaan nina Ramon Ang, Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr., Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Ismael Sueno, Department of Health Sec. Paulyn Jean Ubial, Bataan Provincial Gov. Albert Garcia at Pilipinong May Puso Foundation Inc. (PMPF) chair Rowena Kristina Amara Velasco ang nasabing kasunduan.

Sa ilalim nito, nakasaad na sa SMC manggagaling ang pondo at sila rin ang magtatayo ng rehabilitation facility, pati na ang pagbibigay ng mga specifications para sa konstruksyon nito sa DILG at sa Office of the President.

Ang PMPF naman ang bahalang bumuo at magbigay ng mga sustainable livelihood programs at capability-building activities para sa mga nagpapagaling na drug dependents.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.