2,000 empleyado mawawalan ng trabaho sa pagpapasara sa Fontana

By Kabie Aenlle December 08, 2016 - 04:31 AM

 

casinoTinatayang nasa 2,000 na trabahador at empleyado ng Fontana Leisure Parks and Casino ang mawawalan ng trabaho matapos suspindehin ng Clark Development Corp. (CDC) ang certificate of registration at tax exemption ng Fontana Development Corp.

Ito ay bunsod ng nakabinbin pang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng online gaming operations ni Jack Lam sa nasabing resort.

Binubuo ng 1,200 na regular na empleyado ang mga maapektuhan nito, habang ang natitirang iba pa ay mula sa manpower services o nagtatrabaho lang per activity o kaya ay on call basis.

Dahil dito, Department of Labor and Employment (DOLE) Central Luzon director Ana Dione ang personnel deparment ng Fontana na magbigay muna ng notices of temporary layoff sa mga empleyado nila.

Bukod sa kaniyang online gaming operations, iniimbestigahan rin si Lam dahil sa pagpasok ng mga Chinese na empleyado na walang working visas at overstaying na dito sa bansa.

Paalala naman ni Dione, dapat bayaran pa rin ng Fontana ang Christmas bonuses ng mga empleyado at hindi dapat ma-forfeit ang kanilang mga vacation leaves.

Dahil rin sa pagsasara ng Fontana, inaasahang mawawalan rin ang CDC ng nasa P79 milyong halaga ng lease revenue.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.