3 huwes na idinawit ni Duterte sa droga, abswelto sa imbestigasyon ng SC

By Jay Dones December 08, 2016 - 04:35 AM

 

supreme-courtWalang nakitang ebidensya ang Korte Suprema na magpapatunay na sangkot ang tatlong huwes na una nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa droga.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Theodore Te, batay sa naging resulta ng imbestigasyon na pinangunahan ni retired Justice Roberto Abad, walang prima facie evidence na nag-uugnay sa tatlong judge sa illegal drug operations sa bansa.

Kabilang sa mga inabswelto sina Judge Exequiel Dagala ng MCTC, Dapa-Socorro, Surigao Del Norte; Adriano Savillo ng Iloilo City, RTC branch 30 at Domingo Casiple Jr. ng Kalibo, Aklan, RTC branch 7.

Dagdag ni Te, sa kabila ng mga sunud-sunod nilang hiling, walang maiharap na testigo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mag-uugnay sa tatlo sa iligal na droga.

Binigyang pansin rin ng SC ang pag-lalantad ng mga pangalan ng mga huwes na aniya ay naglagay sa alanganin sa kredibilidad at karera ng mga ito.

Matatandaang noong August 7, ibinunyag ni Pangulong Duterte ang ilang personalidad na nilalaman umano ng kanyang hawak na narco-list.

Kabilang sa mga ito ang pangalan ng mga huwes kaya’t agad na naglunsad ng imbestigasyon ang SC ukol dito.

Samantala, tinatapos na lamang ng SC ang imbestigasyon kay branch 61 ng BAgui City Judge Antonio Reyes, ayon kay Te.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.