Ikatlong suspek sa bigong pagpapasabog malapit sa US Embassy, iniharap sa media; 2 iba pa ang pinaghahanap
Iniharap sa media ng Philippine National Police (PNP) ang ikatlong suspek sa bigong pagpapasabog malapit sa Roxas Boulevard, malapit sa US Embassy.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director General Oscar Albayalde, ang suspek na si Mohammad Jumao-as alyas Modie, 25-anyos at isang X-ray technician ay nadakip noong December 3.
Gaya ng dalawang suspek na nauna nang naaresto, si Jumao-as ay miyembro din umano ng Ansar al-Khalifah Philippines na sumusuporta sa Maute group.
Ayon kay Albayalde, dalawang suspek pa ang kanilang pinaghahanap sa ngayon.
Kabilang si Jumao-as sa nakita sa surveillance camera sa Rizal Park.
Nakuha mula sa suspek ang isang 45 caliber nab aril at Granada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.