CPP, makikipagtulungan lang kay Duterte kung palalayain lahat ang political prisoners

By Kabie Aenlle December 07, 2016 - 04:26 AM

 

CPP-NPANanindigan si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison na makikipagtulungan sila sa pamahalaan sa isang kundisyon.

Ito ay ang kung tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pangako na pagpapalaya sa lahat ng mga political prisoners sa loob ng 48 oras pagkatapos mapirmahan ng negotiating panels ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang bilateral ceasefire agreement.

Ayon kay Sison, kung totoo ang pangako ni Duterte, mas gagawin nilang puspusan at mabilis ang kanilang trabaho sa pakikipagugnayan sa panel ng pamahalaan para malagdaan ang kasunduan ngayong buwan ng Disyembre.

Pagkatapos nito ay pipirmahan na aniya nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang ceasefire document.

Matatandaang noong Lunes lang ay sinabi ni Duterte sa harap ng media na hindi niya mapapalaya ang 130 political prisoners, dahil marami na rin siyang na-concede sa panig ng pamahalaan.

Gayunman ay sinabi ng chief negotiator ng pamahalaan na si Labor Sec. Silvestre Bello III na ayon sa pangulo, posible pa ring maisulong ang pagpapalaya sa mga political prisoners sakaling mapirmahan na ang bilateral ceasefire agreement.

Pero binalaan ni Sison ang pamahalaan na huwag palitan ang bilang ng mga palalayaing political prisoners, kundi ay kakanselahin nila ang ceasefire agreement.

Aniya, dapat tuparin ng gobyerno ang pagpapalaya sa 434 political prisoners, kundi ay babalik lang sila sa pakikipagbakbakan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.