Pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa, planado ayon sa NBI
Premeditated ang pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr sa Baybay Sub-Provincial Municipal Jail.
Ito ayon sa findings sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa kontrobersiyal na pagpatay sa alkalde.
Ayon kay Lavin, walang kalaban-laban si Espinosa nang ito ay patayin ng mga miyembro ng raiding team ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 8.
Wala din aniya silang nakitang ebidensya na nagpaputok si Espinosa base sa ginawa nilang forensic investigation.
Lumalabas din sa inventory report ng mga jailguard sa Baybay na tanging cellphone ang nakumpiska mula sa raid at walang shabu o baril.
Paliwanag pa ng NBI, bagama’t sinasabing may nakitang baril na hawak si Espinosa, may saksi aniya sila na nakakitang isang pulis na naka-gloves na may dalang baril ang pumasok pero wala nang dala nang lumabas.
Kaugnay nito, inirekomenda na ng NBI ang pagsasampa ng patong patong na kaso ng multiple murder at perjury kontra sa mga miyembro ng CIDG Region 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.