Nagkasundo ang tatlong senador na pauwiin sa Urbiztondo, Pangasinan si Ronnie Dayan kagabi.
Ito ay matapos na mangako si Dayan na muli siyang sisipot sa susunod na pagdinig ng senado.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, ang chairman ng committee on public order, pinaakyat nila si Dayan sa opisina ni Senator Tito Sotto at doon ay sumailalim ito sa debriefing.
Kasama din nila si Senator Gringo Honasan.
Dagdag pa ni Lacson, dahil naroon ang pamilya ni Dayan, naawa silang mga senador kaya pinayagan na rin nilang makauwi ito.
Dagdag pa ni Lacson may mga gusto pang sabihin si Dayan sa pagdinig kahapon ngunit hindi lang ito nabigyan ng pagkakataon.
Nagbilin na lang si Lacson kay Dayan na isiping mabuti kung paano sila nagkakilala ni Kerwin Espinosa upang sa susunod ay hindi na nakalilito ang kaniyang magiging testimonya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.