Mayor ng Balayan, Batangas, inireklamo sa DOJ dahil sa panggagahasa sa isang 14-anyos

By Erwin Aguilon December 06, 2016 - 09:52 AM

Balayan BatangasNahaharap ngayon sa reklamong pangagahasa sa Department of Justice (DOJ) ang alkalde ng bayan ng Balayan sa lalawigan ng Batangas at kasong qualified seduction naman ang kinakaharap ng dating hepe ng pulisya sa Balayan, Batangas na si Police Chief Inspector Christopher Guste at Barangay 12, Balayan Chairman Romero Fronda Erilla.

Base sa sinumpaang salaysay ng 14-anyos na biktima sa National Bureau of Investigation, nakilala niya si Mayor Emmanuel Fronda Jr. noong June 24, 2016 matapos itong dumalo ng meeting ng kanilang samahan na “Obyus” na inorganisa ng alkalde para sa mga kabataan sa kanilang bayan at doon siya nilapitan at tinanong kung kailangan nito ng pera saka inayang lumabas.

Sinabi ng biktima na tinext siya ng alakalde at sinabing magkita sila sa Antorcha St. sa Balayan saka dinala sa Alves Lodge sa nasabi ring bayan at doon ito ginahasa ng alkalde.

Matapos ang panggagahasa, binigyan siya ni Mayor Fronda ng P2,000 saka ibinalik sa lugar kung saan ito kinuha.

Samantala, July 8, 2016 nang itext naman siya ni Guste at tinanong kung kailangan ng pera kapalit ng paggawa ng bagay na ililihim nito.

Nagkita sila ni GUste at dinala din siya sa Alves Lodge at doon isinakatuparan ang plano saka binigyan ng P400.

Noon naman aniyang July 3, July 20 at August 3, 2016 dinala naman siya ni Barangay Captain Fronda-Erilla sa nasabi ring lodge at doon siya nakipagtalik at saka binigyan sya ng pera.

Nauna rito, inireklamo na rin ng administratibo ang tatlo sa Office of the Ombudsman.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Deparrment of Social Worker and Development ang nasabing biktima.

 

TAGS: Balayan Batangas, DOJ, dswd, Emmanuel Fronda Jr, rape case, Balayan Batangas, DOJ, dswd, Emmanuel Fronda Jr, rape case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.