5 bahay na pag-aari umano ng ina ng Maute brothers, sinalakay ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2016 - 09:20 AM

Butig, Lanao Del Sur
File Photo | Butig, Lanao Del Sur

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang limang bahay na pinaniniwalaang bahay ng ina ng Maute Brothers sa Lanao Del Sur.

Armado ng search warrant sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o illegal possesion of explosives ang mga otoridad nang salakayin nila ang bahay ni Farhana Romato Maute sa Barangay Mapandi, marawi City, Lanao del Sur.

Si Farhana ang ina at financier ng magkakapatid na Maute.

Dalawang Improvised Explosive Device (IED) ang natagpuan ng mga otoridad sa mga sinalakay na bahay.

Nasugatan naman ang isa sa mga miyembro ng PNP-Special Action Force matapos sumabog ang isang IED na kaniyang natapakan.

 

 

TAGS: AFP, Butig Lanao Del Sur, Maute Brothers, PNP, AFP, Butig Lanao Del Sur, Maute Brothers, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.