CGMA, isa lang ang naiisip na kasuhan sa kanyang pagkakakulong
Sakali mang ituloy ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsasampa ng kaso kaugnay sa apat na taon niyang pagkaka-ditine, isa lang ang kaniyang kakasuhan.
Ayon kay Arroyo, ikinukonsidera na niya ito pero hindi pa niya ito itinutuloy, at sakali man na ituloy niya ito, isang tao lang ang sasampahan niya ng reklamo.
Sinabi ito ni Arroyo sa isang press conference, kung saan inudyok pa siya ng mga reporters na tukuyin kung sino ito.
Gayunman, iginiit ng mambabatas na masyado pang maaga para ibunyag kung sino ang natatanging kasong mapagdedesisyunan niyang kasuhan.
Matatandaang na-detain si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center mula noong 2012 hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan, matapos ibasura ng Korte Suprema ang kasong plunder laban sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.