Mabigat sa kalooban na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ito ang inihayag ng pangulo kasabay ng isinagwang cabinet meeting ngayong hapon sa Malacañang.
Kahapon ay isang text message ang tinanggap ni Robredo mula kay Cabinet Sec. Jun Evasco na nagsasabing hindi na siya pinadadalo sa mga pulong ng gabinete.
Samantala, sumentro naman ang cabinet meeting ngayong hapon sa culture and arts roadmap pangalawa ang resulta ng APEC economic meeting at pangatlo ang paghahanda sa ASEAN Summit 2017 na gaganapin sa susunod sa bansa.
Natalakay din sa cabinet meeting ang resulta ng United Nations climate change conferences na ginanap sa Marrakech, Morocco pati na ang updates sa implementatsyon ng rehabilitation and recovery sa Yolanda corridor projects.
Natalakay din ang Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines East Asean Group Area (BIMP-EAGA) senior officials and ministers meeting na ginaganap sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Hindi naman inihayag ng Malacañang kung sino ang hahalili sa posisyon na binakante ni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.