Dalawang lalaki na kapwa sumuko na noon sa Oplan Tokhang, patay sa pamamaril sa Pasay at Las Piñas

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2016 - 06:29 AM

crime-scene-e1400865926320Dalawa ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pasay City at Las Piñas City.

Linggo ng gabi nang barilin ng apat na suspek ang 56 anyos na si Herman Totie Maninang Jr. habang bumibili ng sigarilyo sa tindahang malapit sa kanilang bahay.

Ayon sa kapitan ng Barangay 106, Zone 11 na si Albert Cuaresma, tumigil na sa paggamit ng droga si Maninang mula nang sumuko ito sa Oplan Tokhang.

Sinabi rin ng pamilya ni Maninang na hindi ito kailanman nagbenta ng illegal drugs.

Samantala, kaninang madaling araw, tinambangan ng riding in tandem si Jeffrey Custodio sa San Gregori Street Barangay Talon Dos.

Si Custodio ay kilalang tulak at gumagamit ng droga sa barangay pero sumuko ito sa Oplan Tokhang noong Hulyo.

Gayunman, hindi umano nito sinisipot ang anti-illegal drug seminars ng barangay na bahagi ng rehabilitation program para sa mga drug surrenderees.

TAGS: drugs, Oplan Tokhang, Shooting Incident, summary execution, drugs, Oplan Tokhang, Shooting Incident, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.