Duterte, handang makipag-usap sa Muslim communities tungkol sa terorismo

By Angellic Jordan December 04, 2016 - 04:26 PM

 

DuterteHanda si Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ang Muslim communities kaugnay sa usaping terorismo sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, humihingi ng tulong ang pangulo sa mga kamag-anak ng mga miyembro ng Maute terror group at Abu Sayyag group upang matigil na ang mga bantang pag-atake sa bansa.

Dagdag pa nito, mahihirap aniya ang lahat kung hindi tutulong ang mga Muslim.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na hindi pa siya handing makipagnegosasyon sa Maute group bunsod ng nangyaring engkwentro sa Butig, Lanao del Sur.

Samantala, nais ni Duterte na tulungan ng teroristang grupo para maiwasan na ang hidwaan.

Paliwanag pa ni Andanar, pinakamagandang mapagkukunan ng impormasyon ng gobyerno ang mga residenteng nakatira mismo sa lugar ng mga rebeldeng grupo.

Hinihikayat din aniya ng administrasyon ang mga komunidad na makiisa upang makabilis ang pagtugis sa mga ito.

TAGS: Martin Andanar, Muslim communities, Rodrigo Duterte, Terorismo, Martin Andanar, Muslim communities, Rodrigo Duterte, Terorismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.