TIPS PARA MAIWASAN ANG HEART DISEASE… We can only be said to be alive in those moments when our hearts are conscious of our treasures – Thornton Wilder, American playwright & novelist.
Halos nagiging common na ngayon ang pagkakaroon ng sakit o karamdaman na may kinalaman sa puso.
Huwag nang isama dyan ang pagiging heart broken, dahil ibang usapan na yan.
Dapat nating isipin na ang cardiovascular at heart diseases kung hindi ma-aagapan ay maaaring maging sanhi ng kamatayan.
Ang heart ay isa sa mga parte ng katawan na masasabing “hard working” o kayod ng kayod at pag-napagod e maaaring bumigay. Alam na this.
Gayunman, may sinasabing risk factor lalo kung may family history at maaari rin na dahil sa idad at kasarian.
Kung normal daw, alam nyo ba na ang puso ay tumitibok ng 72 times per minute o mahigit one-hundred thousand kada araw.
Para maiwasan ang heart disease dapat alagaan ang ating puso.
1. Consume only what is good for you. malaking factor kasi ang diet sa anumang problema sa ating puso. Mahalagang i-mentain ang “normal weight” dahil ang sobrang pag-taba ay maaaring magdulot ng high blood pressure at high cholesterol. Iwasan ang mga pagkain na mataas ang salt at sugar content.
2. Regular physical activity. Mahalaga daw ang palagiang mag-exercise. Kailangan daw kasi ng puso ang ganitong aktibidad para mapanatiling normal ang kanyang takbo. Kailangan din na i-akma ang uri at klase ng exercise sa inyong katawan at idad.
3. Stay away from vices. Ang mga masasamang bisyo gaya ng sigarilyo at alak na maaaring magpataas ng tsansa na magkaroon ng heart disease. Usong-uso ngayon, lalo na sa mga kabataan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak, ang hindi nila alam – ang akala nilang “cool” e nagdadala lamang ng kapahamakan sa kalusugan.
4. Stress. Kung tawagin ay silent killer, mahalagang i-manage ang anumang stress sa bahay man o sa work. Ang stress daw ay nagdudulot ng “unhealthy responses” gaya ng over-eating, sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo na hindi maganda ang resulta sa ating kalusugan.
Check-up. Kung may kakaibang nararamdaman, huwag na daw hintayin na lumala pa ang sitwasyon kaya agad na magpa-schedule para sa physical check-up at masuri ang inyong kalusugan.
Pinakamahalaga sa lahat ang check-up dahil mas makakasiguro lang tayo kung sa mga eksperto at sa doktor manggagaling ang payo.
Gaya ng lagi kong paalala mahalaga ang positivity sa buhay dahil anumang problema kung positibo natin itong haharapin malalagpasan din yan. Keri lang mga ka-Angel.
Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat & Sun 11:00-12:00nn)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.