De Lima, humiling sa DOJ na mag-inhibit sa 4 reklamo sa kanya
Hiniling ni Senator Leila De Lima sa panel of prosecutors ng Department of Justice na may hawak ng kaso ng Bilibid Drug Trade na mag-iinhibit sa apat na reklamong inihain laban sa kaniya.
Ito ay sa pamamagitan ng isinumiteng Omnibus Motion ng kampo ng senadora.
Sa kaniyang mosyon, iginiit ni De Lima na mahalagang magkaroon ng patas at independyenteng imbestigasyon sa mga nasabing kaso.
Mas mainam aniya na idulog na lamang ang mga reklamo sa Office of the Ombudsman na may exclusive authority para siya ay imbestigahan.
Ipinaliwanag ng senadora, sa ilalim ng Ombudsman Act, lahat ng mga paratang na paglabag ay tumutukoy sa kaniyang pagiging opisyal sa gobyerno kaya ang mga kaso laban sa kanya ay pasok sa exclusive at original jurisdiction ng Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.