Naglunsad na ang Philippine National Police o PNP ng nationwide manhunt laban sa negosyanteng si Jack Lam base na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay arestuhin.
Ayon kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, ang utos na pagtugis kay Lam ay dahil sa isyu ng bribery at economic sabotage kung kaya’t nais ng pangulo na maaresto ang negosyante na siyang operator ng online gaming sa Fontana, Clark, Pampanga.
Nakiusap din ng heneral sa taumbayan na agad ipag-bigay alam sa pulisya ang anumang impormasyon na magiging resulta sa pag-aresto kay Lam.
Nagpalabas na rin umano siya ng kautusan sa lahat ng PNP units sa buong bansa para arestuhin si Lam, iyan ay maliban pa sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration hinggi sa direktiba ng pangulo.
Samantala, wala namang ideya si Dela Rosa kung mayroon nang inilabas na Hold Departure Order o HDO laban kay Lam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.