Gobyerno, walang balak magdeklara ng martial law ayon kay Dela Rosa
Sa pananatili ng terror alert 3 sa bansa, tiniyak ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na walang balak magdeklara ng martial law ang pamahalaan.
Idinetalye pa ni Dela Rosa ang mga pang-aabusong naranasan nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar.
Giit pa ng PNP chief, ayaw niyang maranasan itong muli sa bansa.
Ngunit sakali aniyang ipatupad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, siya mismo ang mag-iimplementa nito.
Sisiguraduhin aniya na walang malalabag na karapatang pantao dahil siya mismo aniya ay biktima ng diktadurya.
Samantala, itinaas ang terror alert sa bansa matapos matagpuan ang isang improvised explosive device malapit sa emhabada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard noong November 28.
Ayon kay National Capital Region Police Office director Chief Supt. Oscar Albayalde, malapit ang Maynila sa “retaliatory acts” ng mga teroristang grupo bilang kapital ng bansa.
Paglilinaw pa ni Albayalde, hindi nangangahulugan ng martial law ang terror alert dahil ito aniya ay upang babalahan ang publiko na maging maagap at mapagmatyag sa posibleng terrorist attacks sa bansa.
Pagpapaigting lang aniya ito ng seguridad partikular sa intelligence gathering at operasyon sa terorismo. upang masiguro na ligtas ang bansa sa anumang rebeldeng pag-atake.
Gayunman, wala aniyang intensyon na takutin ang publiko ukol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.