Relasyong Pilipinas at US, mas bumuti kasunod ng pag-uusap ni Duterte at Trump
Nagsisimula nang bumuti ang relasyon ng Pilipinas at ng Estados Unidos pagkatapos naging pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President-elect Donald Trump sa telepono ayon sa Malakanyang.
Naniniwala si Presidential Spokesperson Ernesto Abella na maari ng masabi na muling gumaganda na ang relasyon ng bansa sa US.
Noong Biyernes, nagkaroon ng magandang pag-uusap sina Duterte at Trump sa telepono.
Ayon kay Duterte, nakakaramdam siya ng magandang rapport kay Trump at suportado nito ang kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.
Matatandaang nagkalamat ang relasyon ng Pilipinas at US ng batikusin ni US President Barack Obama ang giyera ni Duterte laban sa ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.