Mga labi ng Brazilian football team na namatay sa plane crash, naiuwi na sa Brazil
Dumating na ang mga labi ng aabot sa 50 katao na binubuo ng mga players, coaches at staff ng Brazilian football team na namatay sa plane crash sa Colombia para sa nakatakdang mass funeral.
Nagliwanag ang stadium ng Chapeco sa Southern Brazil dahil sa fireworks na hudyat ng paglabag ng mga Hercules cargo planes sa naturang bansa.
Magsasagawa ng mass funeral ang naturang lungsod para bigyang pugay ang koponan ng Chapecoense Real, ang football team na papunta sana sa pinakamalaki nilang laban ay kasama sa mga namatay matapos mag-crash ang kanilang sinasakyang eroplano.
Inaasahan na aabot sa 100, 000 katao, kalahati ng populasyon ng naturang lungsod ang magtutungo sa Conda Arena.
Magkakaroon ng funeral procession sa stadium kung saan inaasahan na darating ang coach ng Brazilian national team na Tite at FIFA Chief na si Gianni Infantino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.