NBI Region 12 Director sibak dahil sa droga

By Den Macaranas December 03, 2016 - 11:20 AM

Eric Isidoro
FB Photo

Sinibak sa kanyang tungkulin si National Bureau of Investigation (NBI) Region 12 Director Eric Isidoro makaraang masangkot ang kanyang pangalan sa iligal na droga.

Kinumpirma ni NBI Director Dante Gierran ang pagkakasibak kay Isidoro na dati ring pinuno ng Anti-Illegal Drugs Division ng NBI.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Anti-Illegal Drugs Group ng Philippine National Police na si Isidoro ang protektor ng isang malaking shabu laboratory na sinalakay ng mga otoridad sa Catanduanes noong Nobyembre 26.

Sinabi ni Gierran na kaagad niyang inutusan ang Internal Affairs Division ng NBI para magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa pagkakasangkot ni Isidoro sa illegal drug trade sa bansa.

Nagbanta rin ang nasabing opisyal sa kanyang mga tauhan na kaagad na sisibakin ang sinumang sasabit sa mga kalokohan lalo na sa droga.

Ipinaliwanag pa ni Gierran na mananatili sa loob ng Headquarters ng NBI sa Maynila si Isidoro habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kanya.

TAGS: drugs, gierran, isidoro, NBI, drugs, gierran, isidoro, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.