Duterte at Trump, nagkaroon ng magandang pag-uusap sa telepono

By Kabie Aenlle December 03, 2016 - 05:35 AM

duterte talking to trump“Engaging and animated.”

Ganito inilarawan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang naging pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President-elect Donald Trump sa telepono.

Ayon kay Go, naging kahali-halina at buhay na buhay ang naging pag-uusap ng dalawa sa congratulatory call ni Duterte.

Sa litratong ibinahagi ni Go sa kaniyang Facebook account, makikita ang pangulo na nakaupo sa harap ng kaniyang mesa habang nagbabasa ng mga dokumento at nakikipag-usap kay Trump sa telepono.

Ganap na alas-10:30 ng gabi nag-usap ang dalawang pangulo, na tumagal naman ng pitong minuto at 20 segundo.

Kwento pa ni Go, inimbitahan ni Trump si Duterte na bumisita sa White House sa susunod na taon, habang inimbita naman ni Duterte si Trump na dumalo sa 2017 ASEAN Summit na gaganapin dito sa bansa.

Matatandaang una nang sinabi ni Duterte na nasasabik siyang makatrabaho si Trump at na naniniwala siyang madali silang magkakasundo nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.