De Lima, hindi dumalo sa pagdinig sa kinakaharap na reklamo sa DOJ
Hindi dumalo si Senator Leila De Lima sa unang pagdinig sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga alegasyon ng pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.
Sa halip, ipinadala ni De Lima ang kanyang staff na si Romeo Siazon para makakuha ng kopya ng mga reklamo sa kaniya.
Dumating si Siazon ilang minuto matapos ma-adjourn ang pagdinig ng five-man panel, kung saan kanilang binigyan ng direktiba ang mga respondents na mag-file ng kanilang mga counter affidavits sa December 21.
DOJ panel calling any representative from Sen. De Lima. @inquirerdotnet pic.twitter.com/UGSsSgoinb
— tetch torres-tupas (@T2TupasINQ) December 2, 2016
Nauna nang sinabi ni De Lima na hindi siya sisipot sa pagdinig.
Ang mga nasabing reklamo kay De Lima ay inihain ng high-profile inmate Jaybee Sebastian, National Bureau of Investigation (NBI), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng mga dating NBI deputy directors na sina Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.
Kasama din sa mga pinangalanan ng iba’t ibang mga reklamo na inihain ay sinadating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Jesus Bucayu, dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos, ang dating mga security aides na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez at iba pang inmates na sina Herbert Colanggo, Peter Co at Jojo Baligad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.