DOH umapela sa publiko na ipakalat ang listahan ng mga bawal na paputok

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2016 - 07:17 PM

Bawal na Paputok | DOH Photo
Bawal na Paputok | DOH Photo

Humingi ng tulong sa netizens ang Department of Hwalth (DOH) para maipakalat sa publiko ang listahan ng mga paputok na mahigpit na ipinagbabawal.

Sa Facebook page ng DOH, inilagay ang larawan na naglalaman ng listahan ng mga bawal na paputok.

Kasabay nito ang paghimok sa mga Facebook user na i-share ang nasabing post para maiparating sa nakararami ang abiso.

Kabilang sa mga paputok na bawal ayon sa DOH ay ang Watusi, Piccolo, Super Lolo and Atomic, Big Triangulo, Mother Rockets, Lolo Thunder, Pillbox, Boga, Judah’s belt, Big bawang, Kwiton, Goodbye Philippines at Kabasi.

Taun-taon sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng DOH at mas pinaigting na Iwas Paputok Campaign ay marami pa ring nasusugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

 

 

TAGS: advisory, department of health, Firecrackers, New Year, advisory, department of health, Firecrackers, New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.