Halos 300,000 customers ng Maynilad sa QC, 44hrs mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2016 - 11:15 AM

Maynilad AdvisoryAabot sa halos tatlong daang libong customers ng Maynilad sa Quezon City ang mawawalan ng suplay ng tubig sa loob ng 44 na oras.

Sa abiso ng Maynilad, labinglimang barangay sa lungsod ang maaapektuhan ng water interruption na tatagal mula alas 8:00 ng gabi ng December 5, araw ng Lunes hanggang sa alas 4:00 ng hapon ng December 7, araw ng Miyerkules.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang mga sumusunod:

Apolonio Samson
Baesa
Bahay Toro
Bungad
Damayan
Del monte
Katipunan
Mariblo
Paltok
Paraiso
San Antonio
Sangandaan
Talipapa
Tandang Sora
Veterans Village

Ayon sa Maynilad, kailangan nilang palitan ang depektibong balbula sa kanilang 4-foot-diameter primary line sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City.

Ito ay upang matiyak na hindi magkakaproblema sa kanilang distribution system.

Natukoy kasi ng Maynilad na isa sa labingapat na balbula ay depektibo na.

Maghahanda naman ng labingapat na water tankers ang Maynilad para magrasyon sa mga maaapektuhang customers.

 

TAGS: maynilad, maynilad advisory, quezon city, water interruption, maynilad, maynilad advisory, quezon city, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.