Mga miyembro ng Gabinete, magkakasundo ayon kay Andanar

By Kabie Aenlle December 01, 2016 - 04:43 AM

andanar1Hindi man palaging personal na nagkikita-kita, iginiit ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na may maayos na samahan ang mga miyembro ng Gabinete ng administrasyong Duterte.

Reaksyon ito ni Andanar matapos mag-komento si dating Pangulong Fidel V. Ramos na hindi pa masyadong organisado bilang iisang Philippine team ang Gabinete ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Andanar, maging ang mga asawa ng mga miyembro ng Gabinete ay magkakasundo.

Aniya, nalulugod ang Malacañang na mayroong katulad ni FVR na nagbibigay ng mga payo, komento at constructive criticism sa gobyerno na may kasamang pagsusuri sa mga kaganapan sa bansa.

Tumanggi naman si Andanar na husgahan rin ang performance ng mga miyembro ng Gabinete dahil siya mismo ay bahagi nito.

Pero aniya, positibo naman at maganda ang samahan nila sa isa’t isa.

Bagaman hindi sila pare-pareho ng mga pananaw, nakakayanan naman aniya ng official family ng pangulo na makatrabaho ang isa’t isa, tulad na lamang ng isyu sa pagpirma sa Paris agreement on climate change.

Iba-iba aniya ang kanilang ideya tungkol sa nasabing isyu, at binigyan sila ng pagkakataon ng pangulo na ilahad ang kanilang mga saloobin.

Nagdesisyon lang aniya ang pangulo na pirmahan ito matapos pakinggan ang kani-kanilang mga argumento, lalo’t hinihikayat sila ni Duterte na magkaroon ng magandang diskurso lalo na sa tuwing sila ay nagpupulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.