Priority areas ng imprastraktura, tutukuyin ng DTI at DPWH

By Kabie Aenlle December 01, 2016 - 04:41 AM

INQUIRER file photo
INQUIRER file photo

Magkatuwang na tutukuyin ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon ang mga priority areas ng infrastructure projects ng pamahalaan.

Lumagda ng memorandum of agreement ang dalawang kagawaran para sa isang convergence program na pinangalanang Roads Leveraging Linkages for Industry and Trade (ROLL IT).

Sa ilalim ng programang ito, mapapayagan ang DTI at ang DPWH na magkatuwang na isagawa ang mga planning, budgeting, supervision, implementation, monitoring, at iba pang tungkulin sa industry-developing infrastructure projects sa priority economic and manufacturing zones.

Ayon kay Trade Secretary Ramon M. Lopez, target nilang tukuyin ang mga priority sites sa susunod na taon, at isagawa ang mga proyekto sa mga ito pagdating ng 2018.

Partikular nilang aalamin kung ano ang mga lugar na pinaka-nangangailangan ng mga infrastructure projects.

Ang nasabing programa ay sinasabing isa sa matitibay na plataporma ng pangakong “Golden Age of Infrastructure” ni Pangulong Duterte sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.