Mga martir ng bayan binigyan ng parangal kasabay ng anti-Marcos rally
Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng mga anti-Marcos groups sa pagkilala sa mga tinaguriang martir at bayani noong panahon ng diktadurya o martial law.
Kabilang sa dumalo sa pagkilala na idinaraos sa Bantayog ng mga Bayani Center sa Quezon city sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan, dating Senador Heherson Alvarez, dating NDF peace negotiator Luis Jalandoni at Bayan Secretary General Renato Reyes.
Kabilang naman sa kinilala na mga martir sina:
1.Letty jimenez magsanoc, dating Editor-in-Chief ng Philippine Daily Inquirer
2. Dating Senador Jovito Salonga,
3.Benjamin Cervantes
4. Danilo Vizmanos
5. Ricardo filio
6. Dating Bishop Julio Xavier Labayen
7. Ma. Margarita Gomez
8. Eduardo Aquino
9. Romulo Peralta
10. Simplicio Villados
11. Manuel Dorotan
12. Edgardo Dojillo
13. Fortunato Camus
14. Marciano Anastacio
15. Hernando Cortez
16. Joel Cecilio Jose
17. Antonio Zumel
18. Jose Aquilino Tangente
19. Lourdes Estella-Simbulan.
Ang pangalan ng mga ito ay isasama sa wall of remembrance na makikita sa loob ng Bantayog ng mga Bayani Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.