60% ng lugar na kinubkob ng Maute Group sa Butig, Lanao del Sur, nabawi na ng militar
Umabot na sa 60 porsyento ang nababawi ng militar sa tinatayang nasa 10 ektaryang lawak na kinubkob ng Maute Group sa Butig, Lanao del Sur.
Sa ikaanim na araw ng bakbakan, kahit unti-unti nang umaatras ang mga kalaban, hirap pa rin ang mga sundalo na makausad dahil nagtanim ng bomba at may snipers ang Maute Group.
Kabilang sa mga lugar na nabawi na ng mga sundalo ay ang Madrasah na isang Arabic school at ang isang national high school.
Ngayong araw, target ng mga sundalo na ma-recover ang lumang municipal hall building sa Maute Group.
Tuloy din ang pagtungo sa Lanao del Sur ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.