Dalawang motorcycle rider, patay sa magkahiwalay na aksidente sa Maynila at San Mateo, Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz November 30, 2016 - 06:37 AM

Motorcycle rider patay sa aksidente sa Maynila | Kuha ni Jong ManlapazDalawang motorcycle rider ang nasawi ngayong umaga sa magkahiwalay na aksidente.

Ang una ay naganap sa Osmena Highway, San Andres Bukid Maynila pasado alas 3:00 ng madaling araw.

Nasawi ang rider na si Joshua Mari Webb, 24 anyos makaraang mabangga at makaladkad siya ng sampung metro ng isang cement mixer truck na minamaneho ni Mario Lamigos.

Nabatid na isang call center agent si Webb at naghatid lamang ng kaibigan sa Pasay City sakay ng motorsiklo na Honda XRM125 at may plate number 2J9628.

Habang arestado naman Lamigos 46-anyos at residente ng Taytay Rizal.

Aminado naman si Lamigos na nasagasaan niya si Webb, pero itinaggi nito na nakatulog siya o nakaimon.

Sa kwento ni Lamigos, binabagtas nila ang Osmeña Highway papunta ng Bulacan nang bigla umanong mag-overtake ang motorsiklo. Nagulat na lamang siya nang pumailalim sa truck ang motor.

Photo via ICCO San Mateo
Photo via ICCO San Mateo

Samantala, sa Barangay Maly, San Mateo Rizal, maagang naabala ang daloy ng traffic matapos ang aksidenteng naganap sangkot ang isang motorsiklo, UV Express at dump truck pasado alas kwatro ng umaga.

Sa ulat mula sa Incident Command and Control Center ng San Mateo, agad nasawi ang driver ng motorsiklo matapos ang aksidente.

Nakatakdang i-review ng mga otoridad ang CCTV footage sa lugar upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng aksidente sangkot ang tatlong nabanggit na sasakyan.

Dahil sa nasabing aksidente, maagang naabala ang mga motoristang palabas at papasok ng Rodriguez Rizal.

Pasado alas sais na kasi nang umaga, nang maialis sa lugar ang nasawing motorcycle rider.

 

TAGS: 2 motorcycle dead, accident, manila, san andres bukid, San Mateo Rizal, 2 motorcycle dead, accident, manila, san andres bukid, San Mateo Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.