Matapos ang big-time price hike, presyo ng diesel mahigit P30 na, gasolina nasa mahigit P42 na

By Angellic Jordan, Ricky Brozas November 29, 2016 - 09:03 AM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Matapos ang ipinatupad ng big-time oil price hike ngayong umaga, pumalo na sa mahigit P30 ang presyo ng kada litro ng diesel at mahigit P42 naman ang presyo ng kada litro ng gasolina sa mga malalaking kumpanya ng langis.

Kuha ni Angellic Jordan
Kuha ni Angellic Jordan

Sa price monitoring ng Radyo Inquirer, sa branch ng Shell sa UN Avenue sa Maynila, ang presyo ng diesel ay nasa P30.25 hanggang P34.02 kada litro depende sa klase, habang ang presyo ng kada litro ng gasolina ay nasa P42.95 hanggang P46.31 depende sa klase.

Sa branch naman ng Petron sa nasabi ring lugar sa UN Avenue, ang presyo ng kada litro ng diesel ay nasa P30.25 hanggang P33.52 at ang gasolina ay P42.95 hanggang P44.31.

Kuha ni Angellic Jordan
Kuha ni Angellic Jordan

Sa branch ng Seaoil UN Avenue, mas mababa ang presyo ng diesel na P27.90 habang ang presyo ng gasolina ay nasa P38.90 hanggang P41.50.

Samantala sa Quezon City naman, sa branch ng Petron sa Visayas Avenue, ang kada litro ng diesel ay P29.25 ang presyo habang ang gasolina ay P42.15 hanggang P43.20.

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Ang branch naman ng Shell sa Visayas Avenue, ang diesel ay P29.25 hanggang P32.75 at ang gasolina ay P42.15 hanggang P45.90.

Epektibo ngayong umaga ng Martes, nagpatupad ng P1.50 na dagdag ang mga kumpanya ng langis sa kada litro ng gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.40 naman sa kada litro ng kerosene.

 

 

TAGS: oil price hike, oil price monitoring, oil products, Petron, philippines, Seaoil, Shell, oil price hike, oil price monitoring, oil products, Petron, philippines, Seaoil, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.