Bagyong Marce, naging isang LPA na lang bago lumabas ng bansa
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bago mag alas dose ng hatinggabi ang bagyong Marce.
Pero bago ito lumabas ng PAR, humina pa ito at naging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang.
Sa ngayon wala nang bagyo sa loob ng bansa at tanging tail-end ng cold front ang naka-aapekto sa eastern section ng northern Luzon.
Magiging maulap naman ang papawirin na mayroong hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
At dahil sa sama ng panahon na naranasan simula pa kahapon, suspendido na ang klase sa buong Cagayan.
Ayon kay Gov. Manuel Mamba, wala nang klase ngayong araw sa pre-school hanggang senior high school sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan.
Samantala, sa Ilocos Region at Cordillera makararanas din ng mahinang pag-ulan.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na mayroong pag-ulan na dulot ng thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.