Kasunod ng tuluyang paghina at pagiging low pressure area (LPA) na lang ng “Marce,” tuluyan na rin itong nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Base sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA huli itong namataan sa 440 kilometers ng West Dagupan City.
Wala na rin anila itong direktang epekto sa bansa.
Bagaman nakalabas na ng bansa ang LPA, nagpaalala pa rin ang PAGASA sa mga mangingisda na umiwas muna sa pag-palaot sa northern at western seabords ng Northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.