P3.35 Trillion national budget lusot na sa Senado

By Jan Escosio November 28, 2016 - 08:53 PM

Senate building
Inquirer file photo

Mahigit isang oras lang ang itinagal ng sesyon at inaprubahan na ng senado ang P3.35 Trillion 2017 national budget.

Magugunita na sinertipikahan ng Malacañang bilang urgent ang panukalang pambansang budget at inaprubahan ito ng 20 Senador.

Kasunod nito ay bumuo na agad ng 9-man panel ang Senado sa pangunguna ni Committee on Finance Chaiperson Loren Legarda para sa bicameral conference kasama ang kanilang mga katuwang mula sa Kamara maisapinal at maging ganap na batas ang naaprubahang budget.

Kapag naratipikahan na ng Kongreso ang budget ay isusumite naman ito sa Malacañang para pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: 2017 budget, Legarda, Senate, 2017 budget, Legarda, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.