Robredo todo-tanggi na pinagmulan ng pondo para sa anti-Marcos rally
Tinawanan lang ni Vice President Leni Robredo ang alegasyon na pinondohan niya ang anti-Marcos protest noong nakaraang linggo.
Reaksyon ito ni Robredo sa bintang ng pro-Duterte group na Republic Defenders.
Ayon sa pangalawang pangulo, malabo ang nasabing bintang dahil siya nga ay nahihirapan na pondohan ang kanyang election case.
Alam aniya ng lahat nang nakakakilala sa kanya na wala siyang pera.
Sinabi ni Robredo na insulto din ang nasabing pahayag para sa mga kabataan na bumubuo sa malaking bulto ng mga sumama sa kilos-protesta kontra sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Naniniwala si Robredo na lumahok sa mga anti-Marcos rallies ang mga kabataan dahil alam nila ang tama laban sa mali at hindi dahil sa binayaran ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.