Bagyong Marce, bumagal at humina, isa na lang tropical depression ayon sa PAGASA
Naudlot pa ang nakatakdang paglabas sa bansa ng bagyong Marce ngayong tanghali dahil sa pagbagal ng kilos nito.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, humina din ang bagyo at isa na lamang ngayong tropical depression.
Huling namataan ang bagyo sa 235 kilometer West ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Dahil sa pagbagal ng kilos ng bagyo, sinabi ng PAGASA na mamayang gabi pa ito inaasahang lalabas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.