Totoong ang mga Partylist Representatives ay kumakatawan sa mga tinatawag na “marginalized groups” sa ating lipunan pero hindi ito nangangahulugan na sila ay pawang mga “underprivileged”.
Ibahin nyo ang isang partlist group representative na ating subject ngayong araw na ito dahil daig pa nya kung magtapon ng pera si Asiong Aksaya.
Ayon sa ating Cricket, daang libo hanggang milyong piso ang handang ipusta ng ating bidang kongresista sa kanyang mga de kalibreng panabong na manok.
Laging laman ng mga malalaki at international derby ang ating mambabatas na minsan ay dahilan kung bakit absent sya sa mga plenary session pati na rin sa kanyang opisina.
Hindi basta-basta ang mga imported na fighting cocks ni Cong dahil naka-lagay ang mga ito sa mga airconditioned rooms ay may mga “yaya” pa para matiyak na sapat ang kanilang mga pagkain at bitamina.
Isa rin sa libangan ni Cong ang mangolekta ng mga mamahaling sports car na kanyang ibinabandera sa mga kaibigan tuwing weekends.
Sinabi ng ating Cricket na mayroong Maserati Gran Turismo ang ating bida na nagkakahalaga ng mahigit sa P9Million.
Hwag muna kayong malula sa presyo nang kotseng iyun dahil meron din siyang kulay red na Ferrari sports car na halos ay P20M ang halaga.
Pero ang kanyang everyday car ay isang two-door Mercedes Benz na sports car din.
Hindi nakakapagtakang kayang bumili nang ganung uri ng mga sasakyan si Cong dahil madalas na maka-tsamba sa sabong ang kanyang mga mamahaling gamot bukod pa sa mga negosyo ng kanyang pamilya.
Walang masama na kumita pero napapabayaan naman nya ang kanyang tungkulin na kinatawan ng sektor na kanyang napiling bigyan ng representation sa lower house.
Hindi nya maasikaso ang kapakanan ng kanyang mga “constituents” na unti-unti nang nawawalan ng mga sariling lupain lalo na sa mga lalawigan.
Ang Partylist Representative na ating tinutukoy ay si Cong. P.J….as in Pampasaherong Jeepney.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.