Nagmistulang piyesta ang pagtatapos ng Bar examinations ngayong taong ito.
Matapos ang apat na Linggo, mapayapang nakaraos ang libu-libong mga law graduates sa buong bansa sa pagkuha ng matuturing na pinakamahirap na pinagdaraanan ng mga law graduates.
Umaabot sa 6,800 mga law graduates ang nakakuha ngayong taon ng pagsusulit sa University of Santo Tomas.
Marami sa mga kumuha ng Bar ang masayang sinalubong ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak sa labas ng UST grounds bilang pagtatapos ng kanilang paghihirap sa review at eksaminasyon.
Mula sa walong subjects ang sentro ng examinations kabilang na ang mga tanong ukol sa Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law and Legal and Judicial Ethics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.