11 miyembro ng Maute group, patay sa sagupaan sa Butig, Lanao del Sur

By Mariel Cruz November 27, 2016 - 02:40 PM

BUTIG LANAO DEL SURLabing isang miyembro ng Maute group ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa militar sa Butig, Lanao del Sur kaninag umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, bukod sa labing isang nasawi, sugatan naman ang lima pang miyembro ng nasabing grupo.

Sa panig naman ng militar, dalawang sundalo ang nasugatan sa sagupaan na nagsimula kahapon, araw ng Sabado matapos okupahan ng mga bandido ang inabandonang municipal hall sa Butig.

Napilitang lumikas ang mga residente sa lugar nang magsimulang magpalitan ng putok ng baril ang dalawang panig bandang alas diyes ng umaga ng Sabado.

Nagbabala naman ang AFP na posibleng tumagal ang sagupaan nang isang linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.