Mahigit 5,000 government officials, kabilang sa panibagong ‘narco-list’ ni Duterte

By Mariel Cruz November 27, 2016 - 02:14 PM

duterte to peru 2Aabot sa limang libong pangalan ng government officials ang nilalaman ng “validated” na listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng umano’y drug personalities sa bansa.

Kahapon inanunsiyo ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa San Beda College of Law alumni homecoming na posible na niyang isumite sa National Security Council at sa legislative branch ang kanyang final narco list bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Pahayag ni Duterte, bibigyan niya ng kopya sari-sariling kopya ng narco list ang Senate Presidente at Speaker of the House.

Una nang humiling ang pangulo sa mga mambabatas na tulungan siya sa lutas sa problema ng bansa sa iligal na droga.

Ayon naman kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, nakita niya ang folder ng nasabing narco list at sa kanyang pagtataya ay aabot sa limang libo hanggang sampung libong government officials ang nasa listahan.

Pawang mga barangay officials, mayors, governors, miyembro ng judiciary at prosecutors ang kabilang sa nasabing listahan.

Sinabi rin ni Panelo na posibleng ang susunod na hakbang ng pangulo matapos maisumite ang listahan ay ang pagsuspinde sa privilege ng writ of habeas corpus.

Una nang inanunsiyo ni Duterte na mapipilitan siyang suspindehin ang writ of habeas corpus sakaling magpatuloy pa ang lawlessness sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.