6 government properties, maaaring buksan para sa mga motorista

By Angellic Jordan November 27, 2016 - 09:37 AM

katipunan-traffic
FILE PHOTO

Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbubukas ng anim na pag-aari ng gobyerno upang maibsan ang bigat ng trapiko lalo ngayong darating na Kapaskuhan.

Ayon sa mga opisyal ng MMDA, ito ay maliban pa sa pagbubukas ng kalsada sa loob ng kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Sa panukala ng ahensiya, maaaring buksan ang kalasada ng Bonifacio Naval Station sa Taguig; Office of Transportation Security sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport at isang kalye na magdudugtong sa EDSA hanggang Jupiter Street sa Makati.

Ayon kay MMDA officer-in-charge Thomas Orbos, kinokonsidera rin ng ahensiya ang pagbubukas ng access roads sa University of the Philippines Diliman campus, isang pag-aari ng ahensiya sa bahagi ng Roxas Boulevard, at maging ang ilang pag-aari ng Philippine National Railways at National Power Corporation sa Maynila.

Samantala, sinabi ni Orbos na aabot sa sampung minute ang bawas sa kabuuang biyahe ng mga motorista sa Maynila isang buwan matapos ipatupad ang no-window policy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.