Duterte, iuutos ang pagbabawal sa paglabas ng kani-kanilang bahay ng mga drug users
Pinaplano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbaba ng kautusan kung saan dapat manatili na lang sa kani-kanilang mga bahay ang mga drug users para mapigilan ang mga ito na makapunta sa mga lansangan at para mahinto na ang mga ito sa paggawa ng mga krimen para masuportahan ang kanilang bisyo at kung siya ay susuwayin ang mga ito ay mahaharap sa kaparusahan.
Sa naging talumpati ni Duterte sa San Beda College of Law Alumni Homecoming, ipinahayag ng pangulo ang kanyang obserbasyon na hindi na masyadong nagkalat sa mga lansangan tuwing gabi ang mga drug users na kadalasan ay nagnanakaw o pumapatay para lang makakuha ng pera para matustusan ang kanilang bisyo dahil takot na ang mga ito na mahuli.
Ayon kay Duterte, para maging permanente na ang ganitong sitwasyon ay gagawin niya itong mandato na kung saan lahat ng apektado ng droga ay hindi pwedeng lumabas ng kanilang mga bahay.
Dagdag pa ni Duterta na ang m,ga drug users ay hindi mapapakiusapan ng simple para tumigil na sa kanilang bisyo para sa kapakanan ng ibang tao.
Kaugnay nito, ipinagtanggol ni Duterte ang giyera ng kanyang administrasyon laban sa ilegal na droga kung saan kanyang binigyan diin na kanya itong ginagawa para sa susunod na henerasyon.
Sinabi pa ni Duterte na pnaplano din niyang magpadala ng mga kopya ng report ng illegal drug trade sa National Security Council at sa mga lider ng Kongreso para makabuo ito ng plano para sugpuin ang naturanf problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.