David at 9 y/o na anak, sugatan sa sunog sa Davao city
Sugatan sina Department of Tourism Assistant Secretary Eden David at kanyang siyam na taong gulang na anak nang masunog ang bahay nito sa Davao City.
Nasawi naman sa sunog ang kasambahay na si Kimberly Luayon, habang sugatan din ang isa pa.
Na-confine sa ospital sina David at ang sugatang kasambahay.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang sunog dakong alas-12:30 hatinggabi at naapula dakong ala-1:30 ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Davao City, electric short circuit ang posibleng sanhi ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.