De Lima, dapat harapin ang mga alegasyon sa kanya ayon kay VP Robredo
Sinabi ni Vice President Leni Robredo na dapat pa ring sagutin ni Senador Leila de Lima ang mga alegasyon sa kanya sa kabila ng “slut-shaming” sa kanya.
Nauna nang ipinahayag ni Robredo na nadismaya siya sa pagdinig ng Kamara ukol sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Aniya, masyadong nanghimasok ang mga kongresista sa personal na buhay ni De Lima, lalo na sa naging relasyon niya sa dating driver/bodyguard na si Ronnie Dayan.
Gayunman, sinabi ni Robredo na kailangan pa ring sagutin ng senador ang akusasyon na tumatanggap siya ng drug money.
Naniniwala ang bise presidente na kaya namang harapin ni De Lima ang pressure sa mga alegasyon sa kanya.
Isiniwalat ni Dayan sa pagdinig ng Kamara na naghatid siya ng pera mula sa diumano’y drug lord na si Kerwin Espinosa para kay De Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.