Isang YBL bus, muling sinunog sa ng mga armadong lalaki sa Davao del Sur
Sinunog ng hindi nakilalang armadong lalaki ang tatlong bus sa Barangay Kanapulo, sa bayan ng Magsaysay, Davao del Sur kaninang alas nuwebe ng umaga.
Nabatid na pag-aari ng Yellow Bus Line ang sinunog na bus.
Galing Sultan Sudarat at patungo sana ng Davao city ang tatlong sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng Magsaysay portion nang harangin ng armadong lalaki.
Ayon kay Colonel Ronnie Felix Babac, commander ng 73rd Infantry Battalion, armado ng kalibre 45 ang mga suspek.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na sinunog ang bus ng YBL sa nakalipas na dalawang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.