Militar at Maute group, nagkasagupa sa Butig, Lanao del Sur

By Chona Yu November 26, 2016 - 02:35 PM

MauteMuling nagkasagupa ang tropa ng militar at Maute group sa Butig, Lanao del Sur kaninang alas diyes ng umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na sa ngayon, ay wala pa namang naiuulat na nasawi o nasugatan sa hanay ng militar.

Nabatid na dalawang araw nang nagpapalitan ng putok ang Maute group at mga sundalo.

Ayon kay Padilla, muling inukupa ng Maute group ang munisipyo ng butig pero inabandona na ito ng lokal na pamahalaan may isang taon na ang nakararaas matapos magkasagupa ang rebeldeng grupo at militar.

Sa ngayon aniya, karamihan sa mga naninirahan sa Butig ay pawang mga kaanak at tagasuporta na lamang ng Maute group.

Matagal na aniyang nagsilikas ang mga residente sa lugar dahil sa kaguluhan.

Ang Maute group ay armed islamic state rebel group ng Moro Islamic Liberation Front at pinamumunuan ni Abudalla Maute na umano’y founder ng Dawlah Islamiya na nakabase sa Lanao del Sur.

TAGS: Lanao Del Sur, Maute Group, Maute group sa Butig, Philippine Army, Lanao Del Sur, Maute Group, Maute group sa Butig, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.