2 civilian agent ng CIDG, patay sa Camarines Sur
Dalawang civilian agent ng Criminal Investigation and detection group ang nalunod habang isa pa ang nawawala nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tomas Rentoy VII at Isagani Dadis na kasama ng CIDG team na naglayag kahapon, (November 25) sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Marce.
Kahit naglabas na ng “no sail policy” ang Philippine Coast Guard dahil sa bagyo, naglayag pa rin umano ang grupo sa karagatang sakop ng Lagonoy, Biyernes ng umaga.
Maliban sa dalawang nasawi, nailigtas ang ibang sakay ng motorbanca kasama si Police Chief Inspector Ronnie Fabia, ang CIDG provincial officer habang nawawala pa si SPO4 Edwin Pagao.
Galing ang grupo sa Tamban, Tinambac Port at magsasagawa sana ng rescue operations sa bayan ng Garchitorena
Pagdating sa karagatan malapit sa Barangay Mapid naging masungit umano ang panahon at malalaking alon ang sinagupa ng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.