Kampo ni Bongbong Marcos, umapela sa PET na ilabas ang laman ng SD cards
Umapela ang kampo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilabas ang resulta ng SD cards sa Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal sa nakalipas na May elections 2016.
Sa anim na pahinang manipesto, sinabi ni George Erwin Garcia, abogado ni Marcos, na maraming SD cards ang natagpuang may laman para sa 1,356 Vote Counting Machines na hindi nagamit sa nagdaang halalan.
Nadiskubre ng Comelec at Smartmatic na mayroong lamang data ang naturang SD cards isinagawang ng pagsusuri noong October 26 at November 2 sa naturang VCMs.
Ayon pa kay Garcia, hindi nakisali ang kanilang kampo sa pagsusuri dahil sa Precautionary Protective Order ngunit binuksan pa din ng Comelec sapagkat umano hindi sakop ng PPO ang mga sinasabing hindi nagamit na VCMs.
Sa pag-apruba ng PET, sinabi ni Garcia na naninindigan ang kanilang kampo sa karapatan upang kwestiyunin ang nangyaring pagsusuri.
Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya sa umano’y maling resulta ng botohan sa pagitan nila ni Vice President Leni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.