6 na lalaki, minasaker sa bahay sa Pasig City
Walang habas na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang anim na katao sa loob ng isang bahay sa 1st Narra Street, Purok Acacia sa Pinabuhatan, Pasig pasado alas-11 ng gabi.
Ayon kay Purok leader Isidor Morales anim na labi ng mga lalaki na magkapatong-patong ang kaniyang nakita.
Kinalala naman ang mga napatay na sina Ranel Valenzuela, 40-anyos at may ari ng bahay; Johnson Miravalles, 26; Jing Vidal; Alex Hongco, 31; Anthony Jarilla, at Christian Camongol.
Base sa insyal na imbestigasyon, nagsasagawa ng drug session ang anim na napatay sa bahay ni Valenzuela, nang may dumating na anim na katao sakay ng taxi na armado ng baril, at agad na pumasok sa bahay.
Lumalabas rin na ginagawang drug den ang naturang bahay ni Valenzuela.
Ayon sa ilang saksi, may sumigaw pa ng “raid” bago sila nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
Nakasuot umano ng bonet at hard hat ang mga suspek.
Hindi naman umano sumuko ang mga biktima sa Oplan Tokhang, kahit pa nasabihan na sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.