2 patay, 1 nawawala sa pagtaob ng bangka sa Camarines Sur

By Kabie Aenlle November 26, 2016 - 04:42 AM

Lagonoy.8Nasawi ang dalawang civilian agents ng pulis, habang isa namang pulis ang nawawala matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka patungo sa isang operasyon sa Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawing ahente na sina Tomas Rentoy VII at Isagani Dadis, habang ang nawawalang pulis naman ay si SPO4 Edwin Pagao.

Patungo sana ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Camarines Sur sa bayan ng Garchitorena para magsagawa ng isang operasyon.

Ngunit nang maglayag sila, lumakas ang alon dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Marce kaya tumaob ang kanilang sinasakyan malapit sa Barangay Mapid, kahapon ng umaga.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa nawawala pa ring si Pagao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.