“Marce” napanatili ang lakas habang tinatawid ang Calamian Islands
Napanatili ng bagyong “Marce” ang lakas nito habang binabagtas ang Calamian Group of Islands.
Sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa Busuanga, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso na 100 kilometers per hour, na kumikilos sa direksyong Northwest sa bilis na 17 kilometers per hour.
Nakataas ang Signal No. 2 sa Calamian Group of Islands, habang Signal No. 1 naman sa Occidental Mindoro at Northern Palawan.
Inaasahang makakaranas ng moderate to heavy na pag-ulan sa mga lugar na nasasakop ng 300 km diameter ng bagyo.
Pinaalalahanan ang Bicol region at ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon sa posibilidad ng flashfloods at landslides.
Inaasahan namang lalabas na ang bagyo bandang tanghali ng Linggo, November 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.